Patalastas

Mareng Winnie, nag-ala John “Sweet” Lapuz.

September 2, 2009 · 1 Comment

Lie detector test na lang ang kulang. O pwede din palang wala na yun.

Isa pang headline:

Mareng Winnie, muntik ng kurutin sa pisngi si Mikey Arroyo sa dulo ng video na ito dahil sa sobrang cute nya habang parang batang nakabasag ng flower vase at ayaw umamin.

Pahabol na headline:

Arnold Clavio, tinanghal bilang Best Supporting Actor in a reality-based talk show.

→ 1 CommentCategories: Obserbatoryo
Tagged: , , , ,

Ang Friendster Bulletin

July 3, 2009 · 4 Comments

subject: wala lang…

message: hay kpagOd…chige nxt tym n lng po aq mgpOst ul8… un lang.

may dalawang katanungan lang para sa sayo na nagpost nito at isa para sa lahat ng tao dalawa na makakabasa nito.

una, kailangan ba talaga namin malaman na pagod ka?

pangalawa, pwede ba kung magpopost ka sana sa bulletin, ung may kwenta naman sana kahit konti. yung may mapapala kahit 1 sa aming 257 friends mo? (na magiging 256 na lang dahil i dedelete na kita pagkatapos nito). Kahit mga words of wisdom o korning jokes na kopya sa mga text messages, ok lang. pwede kaya un sa “nxt tym n lng q magpOst ul8…” mo?

panghuli, ilang porsyento ba ng matinong tao ang nagsasabing “ang cute naman nya kasi ung sige nya eh chige” at ilang porsyento din kaya ang nagsasabing “Para syang batang natututo pa lang magsalita kung magtype ng mga gusto nyang sabihin na wala naman din kwenta at pang isip bata ano?”

hay kapagod… chige nxt tym n lng po aq magpost ul8… un lang.

→ 4 CommentsCategories: Obserbatoryo
Tagged: , , ,

hindi ako si soriano – search engine

May 29, 2009 · 5 Comments

 

 

ineng, tao ba ako? - google

 

Eh ano na nga ba ang kantang yun? Halina’t pagbulay bulayan natin ang paghahanap ng isang tao ng kantang may lyrics na oh oh oh oh oh oh oh oh. (bawal magkamali, dapat walo talaga yan)

Kung siguro’y kanta ni Beyonce ang hinahanap na kasagutan ng matinong taong nagtype nyan, siguro naman ay nabigyan sya ng tulong ng dati kong post. Kung sakali namang hindi, heto at nag-aksaya ako ng ilang minuto ng aking napakahalagang oras para lamang sa iyo:

  • U2 : The sweetest thing (“oh oh oh, the sweetest thing…”)  - Pwede na sana kaya lang kulang pa ng limang “oh”. at parang oh ho ho yun yata.
  • Led Zeppelin : D’yer Maker (Oh oh oh oh oh oh, you dont have to go oh oh oh oh oh” ) - Mas marami sa U2 kaya lang kulang pa din para maging walong magkakasunod na “oh”.
  • Justin Timberlake : (Oh No) What You Got –  (Oh, oh, oh, oh, Oh, oh, oh, oh, What you got) - Yan walo, kaso hindi magkakasunod yan. Dalawang linya yan na tig-apat. 
  • Tata Young : “Uh Oh” (Your body makes me go, Oh Oh Oh Oh) – Apat lang. hmm… Btw, si Tata Young ay kabilang sa mga artists na matanda na ngunit bata pa din. Kasama nya sila Billy Joel, Backstreet Boys, atbp. Hindi mo nagets? Ako din.
  • Paola Turci : Oh… Oh, Oh, Oh, Oh (“Oh… oh oh oh oh, Sotto il sole no oh oh oh oh”) -Anong klaseng kanta itong na-google ko at nandito pa si Tito Sotto? o Vic Sotto? Oyo  Boy? Tita Ali? At sino naman si Paola Turci? Kasama ba yan sa mga babaeng nakasama sa scandal ni Hayden Kho Jr?

Gusto ko pa sanang paramihin ang mga kantang may “Oh” pero masyadong mahal ang talent fee ko para sayangin ang oras sa paghahanap ng mahiwagang kanta na may “oh oh oh oh oh oh oh oh” ang lyrics. Ngunit ganun pa man, sa iyo na naghanap (o naghahanap pa din) ng kantang yan na napadpad sa blog ko, nawa’y naibsan ko ang problema mong yan sa pamamagitan ng ilang kantang nilagay ko sa itaas.

Ikaw naman na blogger na dumadaan dito, anong kakaibang search keyword na ang natikman ng blog mo? Share naman dyan, for the sake of arts.

→ 5 CommentsCategories: Obserbatoryo
Tagged: ,

Apple Juice

April 16, 2009 · 4 Comments

Naranasan mo na ba yung magpigil ng ihi kahit sobrang ihing ihi ka na? Tpos pag-ihi mo, dahil ihing ihi ka na nga, tumatalsik na sa mukha mo ung ihi dahil sa lakas ng tama sa urinal? Kaya imbes na kamay lang ang tuyuin mo eh pati mukha mo tinutuyo mo pagkatapos? At masama pa dun, hindi mo naramdamang may naiwang “droplets” pa pala sa mukha. Nalaman mo lang dahil sinabi ng officemate mo na “Pare, may apple juice ka sa mukha.” Buti na lang at inakala nyang sa pantry ka galing.

Naransanan mo na yan? Hindi pa?

Pwes ako din. Nakakadiri yun diba? Yuck.

→ 4 CommentsCategories: Truth or Konsikkwens
Tagged:

siyusikasyir 3-2 please

February 28, 2009 · 7 Comments

Eksena sa SM Department Store.

boses ng babae sa mikropono: siyusikasyir 3-2… siyusikasyir 3-2 please…

alas: Ano daw yun?

ms. alas: Malay ko, baka code.

alas: Baka nga.

- end -

→ 7 CommentsCategories: Obserbatoryo · life illustrated
Tagged: ,

ok lang naman na magtext ka ng magtext…

February 26, 2009 · 2 Comments

basta naka off ang keypad tone!

nyeta namang tunog yan nakakaistorbo eh..

→ 2 CommentsCategories: Buahay · Obserbatoryo · life illustrated
Tagged: , ,

Now put your hands up, oh, oh, oh

February 2, 2009 · 3 Comments

Ukinangsyet yan.

Napilitan akong mamili ng pabango kahapon. Hindi dahil sa mabaho ako pero dahil paminsan minsan, kailangan ko naman pagbigyan ang mga kababaihan na makapili. Dahil kapag hindi ako nagpapabango, ang natural kong amoy ay nagbibigay lang sa kanila ng dalawang bagay na pagpipilian. Kung sasama ba sila sakin para panandalian kong mahalin o sasama sila sakin para medyo matagal ko silang mahalin.

Lumapit ako sa maganda at sexy na saleslady na punong puno ng make up at humahalimuyak sa pwesto nya ng mga pabango. Tinanong ko ang kung ano anong brand at nagtry ng halos lahat ng nandun para medyo matitigan naman nya ko ng matagal at masabi nya sa sariling “Ito na ang pinakamasayang araw ko sa trabahong ito!” Paminsan minsan ko din syang binibiro at ang biruan na yun ay humantong sa nakangiting pagsabi nya ng “Hindi, wala naman po akong boyfriend sir eh…”.

Umabot din ng halos tatlumpung minuto ang landiang tagpong yun bago ako nagdesisyong bilhin ang pangalawang brand na pina-amoy nya sakin. 

alas: “Sige miss, etong isa na lang yung kukunin ko.”

sexysaleslady: “Ok sir, kukunin ko lang yung box tapos pakibayaran na lang po dun sa cashier. At nga pala sir, balik naman kayo bukas, may new arrivals kami, ha sir?” Nakangiting sabi nya.

alas: “Ah Ok. Sige dadaan ako dito bukas.” Nakangiting sabi ko naman.

Tumalikod at umupo sya panandalian para kunin ang kahon. Hindi ko alam kung bakit pero habang hinihintay ko sya ay biglang napasipol ako ng “Single Ladies” ni Beyonce na may kasamang bigkas pa ng lyrics na “Put your hands up, oh, oh, oh” habang umaalog alog ang ulo, sideways. Medyo nabigla ako ng makita kong si sexysaleslady ay nakatayo na pala sa gilid ko, bakas sa mukha ang pagdududa, habang inaabot ang pabango.

sexysaleslady: “Eto na po.”

 Hindi ko man binigay ang tunay na pangalan ko pero masasabi kong ang tanging naiwan na lang sa utak nya para matandaan ang pangyayaring iyon ay ang mga pangalang Piolo Pascual at Butch Francisco.

Ukinangsyet na LSS yan.

→ 3 CommentsCategories: life illustrated
Tagged: ,

Obama, may natutuhan na kay PGMA

January 22, 2009 · 5 Comments

Marahil ay narinig nyo sa news ng sabihin ni Secretary Eduardo Ermita ang mga katagang

First of all, our President is ahead of Obama and probably, I would think that if there’s anything to be learned, it should be President Obama learning from President Arroyo…

Eto ay matapos syang tanungin ng media kung ano ang aral na pwedeng matutunan ni PGMA mula kay Obama na ngayon ay presidente na ng Estados Unidos.

Naniniwala ako sa pahayag na yun ni Sec. Ermita. Wala ako ni maliit na dudang totoo yung sinabi nya. At para ipakita ang pakikibaka ko sa kanyang pahayag, minabuti kong magsaliksik sa malawak na mundo ng intarnets. Hindi ko inaasahan na sa loob lamang ng wala pang isang linggo ay mapapatunayan ko na na may natutunan nga si Obama sa ating mala-mahal na pangulo.

 

gma-obama-condoms2

"Thanks fo da tip crab!" - Obama

 
  So what now Sen. Miriam Santiago?!

→ 5 CommentsCategories: Obserbatoryo · Truth or Konsikkwens
Tagged: ,

spot the blogger

January 17, 2009 · 2 Comments

The following takes places between 5:32 PM and 5:57 PM.

Tao 1: Boss pwedeng magtanong?

Jack Bauer: Ano yun?

Tao 1: Dito ba yung daan papuntang bus terminal?

Jack Bauer: Ah oo, diretso ka lang dyan tapos kumaliwa ka. May makikita kang billboard ni Chuckie Dreyfus na nakakandong kay Santa, lagpasan mo lang yun tapos makikita mo na yung terminal.

Tao 1: Ok, sige salamat boss!

Jack Bauer: Ok walang anuman.

- – -

Tao 2: Boss pwedeng magtanong? Hindi? Kei.

Jack Bauer: Ha?

- end -

→ 2 CommentsCategories: Obserbatoryo
Tagged: ,

eh bakit nga ba?

January 15, 2009 · 5 Comments

Hinihiling ko na i-play mo muna ang kantang Sabay Tayo bago mo ito simulang basahin dahil tingin ko ay magandang background music yun para dito. Kung ayaw mo naman o hindi pwede, iisipin ko na lang na napakaimportanteng tao ko sa buhay mo para sabihin sayo na huwag kang mag-alala at okey lang naman sakin, pramis hindi ako magagalit. Sayang lang at na-miss mo ang mahigit kalahati ng buhay mo.

- – -

May mga taong iniisip na mas mahirap, kundi man imposible, ang mag-apply para maging isang artista kumpara sa pag-aapply sa mga “normal” na trabaho. Naalala ko tuloy ang sabi ng nakausap ko ng medyo seryosohan sa isang inuman,

Alam mo pare, pwedeng pwede ka mag-artista. Kung nasa akin lang lahat yang mukha, katawan, boses, talents at kabaitan mo, hinding hindi ako magdadalawang isip pag may nag-alok sakin na mag-artista. Isipin mo na lang ha, kung tinanggap mo yun, siguradong ikaw ang magiging bagong katambal ni Marian sa bagong palabas nya at hindi si Dingdong. E parang alikabok mo lang yun pare eh!

Maaaring dinagdagan ko lang ng marami ang sinabi nya pero sigurado akong hindi nyo naman sya kilala para itanong kung totoo lahat ng mga yan. Pero bakit ko ba sinabi yan? Dahil isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa naunang pahayag na mas mahirap o imposible ang pag-aapply para maging artista kumpara sa pag-aapply sa ibang trabaho. Hindi ko sinasabi ito dahil nagmamayabang ako at kayang kaya ko ang maging artista kundi dahil para sakin, ang paghahanap ng trabaho ay paghahanap ng trabaho. Tapos. Kahit na anong klase pa yan, iba iba man ang mga proseso, ay pare pareho lang din ang konsepto. Ang ipamalas ang kakayahan mo sa trabahong yun at magpakitang gilas sa lahat ng makakaharap mo sa interview para madinig ang isa sa dalawang bagay na sasabihin nila, “You’re hired.” o “We will let you know in a week k? Teinks.”

E bakit ko nga ulit sinasabi ang mga yan? Dahil kamakailan lang ay nag-apply ako ng trabaho na hindi ko naman linya, ang maging part-time tagapagturo sa isang kolehiyo. Kapalan lang ng mukha, trip lang ba. Malay ko kung matanggap ako e di nag-umapaw sana ang self-confidenceseses ko pagkatapos.  Pero yun nga, nagkatanggapan na at natapos ang application pero wala man lang dumating sakin kahit 2 segundong miskol. Nabalitaan kong ang natanggap ay isang dating guro sa isang hiskul.

Ang nasabing guro ay may limang taon daw na experience sa pagtuturo ng P.E. at minsan daw humawak sa computer laboratory ng pinanggalingan nyang eskwelahan. Watdapak? Anong ituturo nya? Kung pano ang tamang pag push-up ng hintuturo para ma-click ang mouse? Hindi naman sa bitter ako konti lang kaya ako nagkakaganito pero ang hirap talaga pag puro “sino ang kakilala mo” imbes na “ano ang alam mo” sa pag-aapply sa trabaho, paksyet. Aminado akong wala akong gaanong experience sa pagtuturo pero pwede naman nila ako daanin sa training, seminars, etc. para maging epektibong guro. Maituturo ko sana sa mga estudyante ang mga dapat malaman sa kursong kinuha nila kung binigyan lang ako ng pagkakataon pero pinalampas nila ang tsanyang binigay ko para sa kanila.

Naisip ko tuloy na buti pa sa pag-aartista, kung mukha kang paa, wala silang pakialam sayo kahit si Madam Auring pa ang backer mo. Ang kinukuha nila talaga ay yung may itsura. Kahit na wala ka gaanong talento, hindi kagaya ko, eh idadaan ka lang nila sa mga workshops at presto! pag-aari ka na ng publiko. O kung mukha ka naman palang alipunga e ok lang din basta marunong kang magpatawa. 

Tama. Oras na para pagbibigyan ko ang mga lokal na tagahanga ko at pasukin ko na ang mundo ng mga totoong tao, ang showbiz.

Abangan nyo ko sa NBN 4 at kakawayan ko kayo habang dino-draw ang lotto.

→ 5 CommentsCategories: Obserbatoryo · life illustrated
Tagged: , ,