Patalastas

Entries from December 2008

Daiana Menezes, Sorry na…

December 16, 2008 · 4 Comments

Hindi naging madali para sa ating dalawa ang pagpasok sa isang bawal na relasyon at inakala kong alam mo na yan bago pa kita sagutin. Noong nagpapapansin ka pa lamang sa akin sa pamamagitan ng malambing mong   “Hello Alas… Ano ito?”, pumasok na sa isip ko na na magiging mahirap ang pakikipag hiwalay ko sayo. At ilang beses kong inulit ulit sayo ang bagay na ito. Natatandaan ko pa tuwing sinasabi ko na “Ayaw kitang masaktan kaya sana tigilan mo na ako…”, lagi mo lang yun sinasagot ng medyo baluktot mo pang tagalog na ” Ok lang Alas…Sirugado ako…”, kaya wala akong nagawa kundi sapilitang pagbigyan kita.

Kahit tayo na, hindi ko nalilimutang ipaalala sayo na hindi lang ikaw ang kaya kong mahalin habang buhay. Masyado akong mabait at mapagmahal kaya nahihirapan akong ipagkait yun sa mga magaganda at sexy na nagmamakaawang lumalapit sa akin. Pero iisa lang ang sinasagot mo, “Ok lang Alas… Sirugado ako…”.

Di nagtagal, nahirapan din ako. Di ko na matiis na labing apat kayong sabay sabay na minamahal ko. Naisip kong kailangan na makipaghiwalay sa isa at ikaw ang napili ko. Inaamin kong nahirapan akong pumili, ngunit dahil sa ikaw ang pinakahuli sa labing – apat, naisip kong magiging madali sayo ang  pakikipaghiwalay ko.

Pero gaya ng mga nauna, hindi mo din madaling natanggap ang bagay na ito.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan na hindi na kita pinapansin. Naawa man ako sa pagluhod luhod mo sa harap ng bahay namin para balikan ka pero pinilit kong panindigan ang naging desisyon ko. Binalaan na kita noong una pa lang, pero hindi ka nakinig.

Muli kong sinubukang manood ng eat bulaga pag pasok ng Disyembre. Natuwa ako para sayo dahil napansin kong naka-move on ka na at masaya ka na ulit sa piling ng iyong mga dabarkads. Sa pagkanta kanta mo, sa pagsayaw, at sa pagbibigay ng bugtong, halatang wala ng bumabagabag sa iyo at labis ko talagang ikinatuwa ko yun. Ngunit dumating ang araw, December 5, biyernes, habang pinapanood kita ay unti unti kong nararamdamang nagkakagusto na ako  sayo. Pumapasok sa utak ko ang pagsisisi ng hiwalayan kita. Sana pala si Roxanne Guinoo na lang at hindi ikaw. 

Hindi na ako nakatiis at tinext kita kinabukasan, December 6, umaga, bago ka magpunta sa eat bulaga, para itanong kung pwede ka bang sumama ulit sa labing tatlong minamahal ko. Naka tatlong miskol muna ako sayo bago mo ko ni-replyan para sabihin mong pag-iisipan mo muna ng ilang oras. Hindi ako naka-reply sa sinabi mong yun pero laking tuwa ko ng nag-text ka ulit para sabihing manood ako ng eat bulaga, sa Taktak mo o Tatakbo portion, dahil dun mo ise-senyas ang magiging sagot mo sakin.

Naisip kong napaka sweet mo talaga at idadaan mo pa sa TV ang bagay na ito.

Halos hindi ako kumain ng pananghalian noong sabado na yun sa pagtutok sa eat bulaga. Bawat eksena na wala ka, pakiramdam ko’y para akong nilulunod. Bawat commercial na dumadaan ay para akong sinasaksak. Bawat ibang host na nagsasalita ay para akong mauubusan ng hininga.

At sa wakas, pinakita ka na. Medyo nagalit pa ko nun sa ginagawang pang-aasar ni Jose sayo pero binalewala ko na lang. Dahil ang isip ko nung araw na yun ay wala nang mas importante pa sa buong mundo kundi ang magiging sagot mo sa tanong ko.

Natapos ang asaran nyo at pinapili mo na ang contestant kung pula o asul. Sinabi mo ng napakalambing ang tanong na “Sirugado ka…?” at halos magkanda ihi ako sa pananabik dahil alam kong ang susunod na eksena ay ang sensyas na ng pagsagot mo sakin.

 

Malinaw nang sagot sakin ang X, hindi mo na ko dapat murahin.

Malinaw nang sagot sakin ang X, hindi mo na ko dapat murahin.

 

At yun ang unang beses akong nabusted.

Categories: Obserbatoryo · Truth or Konsikkwens
Tagged: , ,

Paano mo masasabing napamahal na ang aso nyo sa nanay mo?

December 15, 2008 · 7 Comments

Alas: Nay, anong ulam?

Nanay Alas: Pinagluto ko si Bantay ng adobong manok, kumuha ka na lang dyan.

- end -

Categories: Buahay
Tagged: , ,

konti pa D+ na

December 13, 2008 · Leave a Comment

Alam nyo ba kung ano yung mahirap pag nasa lamay ka ng artista? Yung merong mga nagpupuntang artista tapos may ilan na dinadala hanggang dun yung trabaho nila, ang pag-iyak. Buti na lang sana kung magagaling eh, yung hindi lang boses yung umiiyak kundi pati mata. At kung umiiyak man yung mata, sana naman yung kasing galing ng mga artistang parang nararamdaman mo din pati pagdadalamhati nila. Yung nakakadala ng emosyon ba. Hindi yung iyak na nakakapagduda kung kaibigan nga ba talaga o  kailangan lang madagdagan ang exposure sa TV.

Iba talaga tayong mga pinoy, maparaan.

Sana sumama na lang sa mga grupo na nag-aalay ng kanta o panalangin para sa namayapa. Pwede din naman sigurong mag guide sa mga pupunta sa harap ng kabaong. O tumulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kape, tinapay, o candy. Di ba parang mas totoo yun? Ay hindi nga pala pwede, artista nga pala. Pero sana naman, tama na yung paulit ulit na paglapit sa nanay pag alam mong may lalapit na media, bigyan naman natin ng pagkakataon yung ibang tao na talaga namang nakikiramay. At isa pa, nakakahiya din naman sa nanay nya na baka pag natapos ang pagdadalamhati e maiisip na ang dami pala talagang pambalot ng ice water sa showbiz. Medyo nakakasira ng industriya natin yun db? At kung sakaling naisipan nyong gawin ang kung alin man sa mga to, sana huwag nyo na naman hintayin ang pagharap ng camera at pagtutok ng ilaw, para mas personal ang dating, hindi lang trabaho ha?

My deepest condolences to the Cielo family. May he rest in peace. Really.

Categories: Obserbatoryo
Tagged: ,

ang hirap umayon sa ayaw mong ayunan

December 10, 2008 · 2 Comments

Kung akala mong ang title ko ay linya galing sa kanta ng sandwich na betamax, medyo nagkakamali ka. Medyo lang kasi inspired naman talaga ng padayon word yang mga ayon ayon sa titulo ko eh. Ganun yata talaga pag halos maghapon mo pinapakinggan ang isang kanta.

Anyway, di ba totoo naman? Mahirap mag-agree sa bagay na ayaw mo naman talaga. Kahit na alam mong tama yung mga sinasabi nila sayo, masama pa din loob mo at pilit na pilit lang kung sakaling sundin mo man sila. Kung di mo naman sila sundin, di mo naman magagawa yung gusto mo dahil sila lang ang tanging paraan para magawa mo yung gusto mo na ayaw naman nila. Ano daw? Ah ewan, basta. Ang gagawin mo na lang, maghahanap ka ng makakausap na sasang-ayon sa balak mo. Tawag dito, tawag dun, text text, chat chat, tapos sasabihin nila:

Tao 1: “Oo ok naman yun, PERO talaga namang dapat ganito kasi ang gawin mo  blah blah blah…”

Tao 2: “Oo tama ka din dun. PERO dapat kasi di mo na lang ginanun yada yada yada…”

Sabi ko naman, “O cia cia, basta pag namatay ako di ako ang may kasalanan ha?”

ukinangsyet yan o.

Maganda kayang idea yung magtext ako mamayang madaling araw sa lahat ng mahal ko sa buhay at magpasalamat sa lahat ng ginawa nila sakin? Tapos wala akong rereplyan sa mga magrereply para may pagka misteryoso ang dating. Ang  emo nun. Pero wag na lang pala kasi ayaw kong i-autopsy. Idedemanda ko kung sino man ang gagawa nun dahil para sakin, yun ay paglabag sa RA09501. (invasion of privacy courtesy of google.com) E teka, bakit ba ko i-o-autopsy e di naman ako si Marky Cielo. Ano naman ang pakelam ng mga pulis na nasa TV at Media na nakikiramay slash nanggugulo sa lamay kung sakaling lumaklak ako ng yasmin na syempre eh hindi ko naman gagawin?

Ah basta. Padayon.

Categories: centrim · life illustrated
Tagged: , ,

Parokya Ni Edgar

December 10, 2008 · Leave a Comment

Ako lang ba o talagang October 1, 2008 ang ibig sabihin ng 10.1.8? O baka naman January 8, 2010? August 1, 2010?

image taken from parokyaband.com

image taken from parokyaband.com

Categories: Uncategorized
Tagged: , ,

smiley

December 1, 2008 · 2 Comments

Nakita nyo ba kanina? Yung buwan, at dalawang bituin, umayos sila na parang smiley.

Wala lang…

Sana kahit anong nagawa ko, sinadya ko man o hindi, kahit anong dinadaanan mo, mahirap man o madali, at kahit ano man nararamdaman mo, masakit man o hindi, naka smile ka pa din gaya nun.

moonstarssmile

Tapos sana, kahit walang kwenta itong mga sinabi ko para sayo, naka smile ka pa din ngayon.

update:

Venus at Jupiter pala yun. Ang galing ko talaga sa Math.

Categories: centrim · life illustrated
Tagged: , , , ,