Kung akala mong ang title ko ay linya galing sa kanta ng sandwich na betamax, medyo nagkakamali ka. Medyo lang kasi inspired naman talaga ng padayon word yang mga ayon ayon sa titulo ko eh. Ganun yata talaga pag halos maghapon mo pinapakinggan ang isang kanta.
Anyway, di ba totoo naman? Mahirap mag-agree sa bagay na ayaw mo naman talaga. Kahit na alam mong tama yung mga sinasabi nila sayo, masama pa din loob mo at pilit na pilit lang kung sakaling sundin mo man sila. Kung di mo naman sila sundin, di mo naman magagawa yung gusto mo dahil sila lang ang tanging paraan para magawa mo yung gusto mo na ayaw naman nila. Ano daw? Ah ewan, basta. Ang gagawin mo na lang, maghahanap ka ng makakausap na sasang-ayon sa balak mo. Tawag dito, tawag dun, text text, chat chat, tapos sasabihin nila:
Tao 1: “Oo ok naman yun, PERO talaga namang dapat ganito kasi ang gawin mo blah blah blah…”
Tao 2: “Oo tama ka din dun. PERO dapat kasi di mo na lang ginanun yada yada yada…”
Sabi ko naman, “O cia cia, basta pag namatay ako di ako ang may kasalanan ha?”
ukinangsyet yan o.
Maganda kayang idea yung magtext ako mamayang madaling araw sa lahat ng mahal ko sa buhay at magpasalamat sa lahat ng ginawa nila sakin? Tapos wala akong rereplyan sa mga magrereply para may pagka misteryoso ang dating. Ang emo nun. Pero wag na lang pala kasi ayaw kong i-autopsy. Idedemanda ko kung sino man ang gagawa nun dahil para sakin, yun ay paglabag sa RA09501. (invasion of privacy courtesy of google.com) E teka, bakit ba ko i-o-autopsy e di naman ako si Marky Cielo. Ano naman ang pakelam ng mga pulis na nasa TV at Media na nakikiramay slash nanggugulo sa lamay kung sakaling lumaklak ako ng yasmin na syempre eh hindi ko naman gagawin?
Ah basta. Padayon.

2 responses so far ↓
utakmunggo // December 10, 2008 at 3:55 pm
padayon: visayan word for “ipagpatuloy”.
nakow yasmin pa kamo ang titirahin mo? magkakaron ka lang ng man boobs na papantay sa jogalets ni sunshine cruz, hindi kaemo-emo yun pag nagkataon. baka malagay ka lang sa mga pahina ng guinness book. hehe
alas // December 10, 2008 at 4:38 pm
@utakmunggo hahaha! jogalets ni sunshine pucha hahaha! salamat momma sa pagpapatawa mo sakin!
at salamat din sa translation ng padayon.
ang sarap banggitin nun talaga.
padayon. padayon. padayon. hahaha!