Hindi naging madali para sa ating dalawa ang pagpasok sa isang bawal na relasyon at inakala kong alam mo na yan bago pa kita sagutin. Noong nagpapapansin ka pa lamang sa akin sa pamamagitan ng malambing mong “Hello Alas… Ano ito?”, pumasok na sa isip ko na na magiging mahirap ang pakikipag hiwalay ko sayo. At ilang beses kong inulit ulit sayo ang bagay na ito. Natatandaan ko pa tuwing sinasabi ko na “Ayaw kitang masaktan kaya sana tigilan mo na ako…”, lagi mo lang yun sinasagot ng medyo baluktot mo pang tagalog na ” Ok lang Alas…Sirugado ako…”, kaya wala akong nagawa kundi sapilitang pagbigyan kita.
Kahit tayo na, hindi ko nalilimutang ipaalala sayo na hindi lang ikaw ang kaya kong mahalin habang buhay. Masyado akong mabait at mapagmahal kaya nahihirapan akong ipagkait yun sa mga magaganda at sexy na nagmamakaawang lumalapit sa akin. Pero iisa lang ang sinasagot mo, “Ok lang Alas… Sirugado ako…”.
Di nagtagal, nahirapan din ako. Di ko na matiis na labing apat kayong sabay sabay na minamahal ko. Naisip kong kailangan na makipaghiwalay sa isa at ikaw ang napili ko. Inaamin kong nahirapan akong pumili, ngunit dahil sa ikaw ang pinakahuli sa labing – apat, naisip kong magiging madali sayo ang pakikipaghiwalay ko.
Pero gaya ng mga nauna, hindi mo din madaling natanggap ang bagay na ito.
Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan na hindi na kita pinapansin. Naawa man ako sa pagluhod luhod mo sa harap ng bahay namin para balikan ka pero pinilit kong panindigan ang naging desisyon ko. Binalaan na kita noong una pa lang, pero hindi ka nakinig.
Muli kong sinubukang manood ng eat bulaga pag pasok ng Disyembre. Natuwa ako para sayo dahil napansin kong naka-move on ka na at masaya ka na ulit sa piling ng iyong mga dabarkads. Sa pagkanta kanta mo, sa pagsayaw, at sa pagbibigay ng bugtong, halatang wala ng bumabagabag sa iyo at labis ko talagang ikinatuwa ko yun. Ngunit dumating ang araw, December 5, biyernes, habang pinapanood kita ay unti unti kong nararamdamang nagkakagusto na ako sayo. Pumapasok sa utak ko ang pagsisisi ng hiwalayan kita. Sana pala si Roxanne Guinoo na lang at hindi ikaw.
Hindi na ako nakatiis at tinext kita kinabukasan, December 6, umaga, bago ka magpunta sa eat bulaga, para itanong kung pwede ka bang sumama ulit sa labing tatlong minamahal ko. Naka tatlong miskol muna ako sayo bago mo ko ni-replyan para sabihin mong pag-iisipan mo muna ng ilang oras. Hindi ako naka-reply sa sinabi mong yun pero laking tuwa ko ng nag-text ka ulit para sabihing manood ako ng eat bulaga, sa Taktak mo o Tatakbo portion, dahil dun mo ise-senyas ang magiging sagot mo sakin.
Naisip kong napaka sweet mo talaga at idadaan mo pa sa TV ang bagay na ito.
Halos hindi ako kumain ng pananghalian noong sabado na yun sa pagtutok sa eat bulaga. Bawat eksena na wala ka, pakiramdam ko’y para akong nilulunod. Bawat commercial na dumadaan ay para akong sinasaksak. Bawat ibang host na nagsasalita ay para akong mauubusan ng hininga.
At sa wakas, pinakita ka na. Medyo nagalit pa ko nun sa ginagawang pang-aasar ni Jose sayo pero binalewala ko na lang. Dahil ang isip ko nung araw na yun ay wala nang mas importante pa sa buong mundo kundi ang magiging sagot mo sa tanong ko.
Natapos ang asaran nyo at pinapili mo na ang contestant kung pula o asul. Sinabi mo ng napakalambing ang tanong na “Sirugado ka…?” at halos magkanda ihi ako sa pananabik dahil alam kong ang susunod na eksena ay ang sensyas na ng pagsagot mo sakin.

Malinaw nang sagot sakin ang X, hindi mo na ko dapat murahin.
At yun ang unang beses akong nabusted.

4 responses so far ↓
FerBert // December 16, 2008 at 7:08 pm
14?
sakim! inangkin mo na lahat ng mga magagandang babae wala ka ng tinira para akin.. hahahaha
alas // December 16, 2008 at 7:29 pm
@ferbert hahaha! mangangarap na nga lang din eh di sulitin ko na diba?
maraming salamat sa pagdaan dakilang kokey!
xG // December 17, 2008 at 2:19 am
inaamin ko
natatawa talaga ako
kapag naaalala ko yung
“sirugado ka?”
aylabiksoto
<3
gilbert // December 17, 2008 at 3:17 am
Mukhang, mapapanuod ako ng Eat Bulaga nito ngayon ah… hehehe