Patalastas

Entries from January 2009

Obama, may natutuhan na kay PGMA

January 22, 2009 · 5 Comments

Marahil ay narinig nyo sa news ng sabihin ni Secretary Eduardo Ermita ang mga katagang

First of all, our President is ahead of Obama and probably, I would think that if there’s anything to be learned, it should be President Obama learning from President Arroyo…

Eto ay matapos syang tanungin ng media kung ano ang aral na pwedeng matutunan ni PGMA mula kay Obama na ngayon ay presidente na ng Estados Unidos.

Naniniwala ako sa pahayag na yun ni Sec. Ermita. Wala ako ni maliit na dudang totoo yung sinabi nya. At para ipakita ang pakikibaka ko sa kanyang pahayag, minabuti kong magsaliksik sa malawak na mundo ng intarnets. Hindi ko inaasahan na sa loob lamang ng wala pang isang linggo ay mapapatunayan ko na na may natutunan nga si Obama sa ating mala-mahal na pangulo.

 

gma-obama-condoms2

"Thanks fo da tip crab!" - Obama

 
  So what now Sen. Miriam Santiago?!

Categories: Obserbatoryo · Truth or Konsikkwens
Tagged: ,

spot the blogger

January 17, 2009 · 2 Comments

The following takes places between 5:32 PM and 5:57 PM.

Tao 1: Boss pwedeng magtanong?

Jack Bauer: Ano yun?

Tao 1: Dito ba yung daan papuntang bus terminal?

Jack Bauer: Ah oo, diretso ka lang dyan tapos kumaliwa ka. May makikita kang billboard ni Chuckie Dreyfus na nakakandong kay Santa, lagpasan mo lang yun tapos makikita mo na yung terminal.

Tao 1: Ok, sige salamat boss!

Jack Bauer: Ok walang anuman.

- – -

Tao 2: Boss pwedeng magtanong? Hindi? Kei.

Jack Bauer: Ha?

- end -

Categories: Obserbatoryo
Tagged: ,

eh bakit nga ba?

January 15, 2009 · 5 Comments

Hinihiling ko na i-play mo muna ang kantang Sabay Tayo bago mo ito simulang basahin dahil tingin ko ay magandang background music yun para dito. Kung ayaw mo naman o hindi pwede, iisipin ko na lang na napakaimportanteng tao ko sa buhay mo para sabihin sayo na huwag kang mag-alala at okey lang naman sakin, pramis hindi ako magagalit. Sayang lang at na-miss mo ang mahigit kalahati ng buhay mo.

- – -

May mga taong iniisip na mas mahirap, kundi man imposible, ang mag-apply para maging isang artista kumpara sa pag-aapply sa mga “normal” na trabaho. Naalala ko tuloy ang sabi ng nakausap ko ng medyo seryosohan sa isang inuman,

Alam mo pare, pwedeng pwede ka mag-artista. Kung nasa akin lang lahat yang mukha, katawan, boses, talents at kabaitan mo, hinding hindi ako magdadalawang isip pag may nag-alok sakin na mag-artista. Isipin mo na lang ha, kung tinanggap mo yun, siguradong ikaw ang magiging bagong katambal ni Marian sa bagong palabas nya at hindi si Dingdong. E parang alikabok mo lang yun pare eh!

Maaaring dinagdagan ko lang ng marami ang sinabi nya pero sigurado akong hindi nyo naman sya kilala para itanong kung totoo lahat ng mga yan. Pero bakit ko ba sinabi yan? Dahil isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa naunang pahayag na mas mahirap o imposible ang pag-aapply para maging artista kumpara sa pag-aapply sa ibang trabaho. Hindi ko sinasabi ito dahil nagmamayabang ako at kayang kaya ko ang maging artista kundi dahil para sakin, ang paghahanap ng trabaho ay paghahanap ng trabaho. Tapos. Kahit na anong klase pa yan, iba iba man ang mga proseso, ay pare pareho lang din ang konsepto. Ang ipamalas ang kakayahan mo sa trabahong yun at magpakitang gilas sa lahat ng makakaharap mo sa interview para madinig ang isa sa dalawang bagay na sasabihin nila, “You’re hired.” o “We will let you know in a week k? Teinks.”

E bakit ko nga ulit sinasabi ang mga yan? Dahil kamakailan lang ay nag-apply ako ng trabaho na hindi ko naman linya, ang maging part-time tagapagturo sa isang kolehiyo. Kapalan lang ng mukha, trip lang ba. Malay ko kung matanggap ako e di nag-umapaw sana ang self-confidenceseses ko pagkatapos.  Pero yun nga, nagkatanggapan na at natapos ang application pero wala man lang dumating sakin kahit 2 segundong miskol. Nabalitaan kong ang natanggap ay isang dating guro sa isang hiskul.

Ang nasabing guro ay may limang taon daw na experience sa pagtuturo ng P.E. at minsan daw humawak sa computer laboratory ng pinanggalingan nyang eskwelahan. Watdapak? Anong ituturo nya? Kung pano ang tamang pag push-up ng hintuturo para ma-click ang mouse? Hindi naman sa bitter ako konti lang kaya ako nagkakaganito pero ang hirap talaga pag puro “sino ang kakilala mo” imbes na “ano ang alam mo” sa pag-aapply sa trabaho, paksyet. Aminado akong wala akong gaanong experience sa pagtuturo pero pwede naman nila ako daanin sa training, seminars, etc. para maging epektibong guro. Maituturo ko sana sa mga estudyante ang mga dapat malaman sa kursong kinuha nila kung binigyan lang ako ng pagkakataon pero pinalampas nila ang tsanyang binigay ko para sa kanila.

Naisip ko tuloy na buti pa sa pag-aartista, kung mukha kang paa, wala silang pakialam sayo kahit si Madam Auring pa ang backer mo. Ang kinukuha nila talaga ay yung may itsura. Kahit na wala ka gaanong talento, hindi kagaya ko, eh idadaan ka lang nila sa mga workshops at presto! pag-aari ka na ng publiko. O kung mukha ka naman palang alipunga e ok lang din basta marunong kang magpatawa. 

Tama. Oras na para pagbibigyan ko ang mga lokal na tagahanga ko at pasukin ko na ang mundo ng mga totoong tao, ang showbiz.

Abangan nyo ko sa NBN 4 at kakawayan ko kayo habang dino-draw ang lotto.

Categories: Obserbatoryo · life illustrated
Tagged: , ,

.

January 5, 2009 · 6 Comments

.

hindi ko alam kung bakit pero ganyan ang pakiramdam ko sa pagsisimula ng taon.

im such a loser yaya.

Categories: Buahay · centrim
Tagged: