Patalastas

Entries from February 2009

siyusikasyir 3-2 please

February 28, 2009 · 7 Comments

Eksena sa SM Department Store.

boses ng babae sa mikropono: siyusikasyir 3-2… siyusikasyir 3-2 please…

alas: Ano daw yun?

ms. alas: Malay ko, baka code.

alas: Baka nga.

- end -

Categories: Obserbatoryo · life illustrated
Tagged: ,

ok lang naman na magtext ka ng magtext…

February 26, 2009 · 2 Comments

basta naka off ang keypad tone!

nyeta namang tunog yan nakakaistorbo eh..

Categories: Buahay · Obserbatoryo · life illustrated
Tagged: , ,

Now put your hands up, oh, oh, oh

February 2, 2009 · 3 Comments

Ukinangsyet yan.

Napilitan akong mamili ng pabango kahapon. Hindi dahil sa mabaho ako pero dahil paminsan minsan, kailangan ko naman pagbigyan ang mga kababaihan na makapili. Dahil kapag hindi ako nagpapabango, ang natural kong amoy ay nagbibigay lang sa kanila ng dalawang bagay na pagpipilian. Kung sasama ba sila sakin para panandalian kong mahalin o sasama sila sakin para medyo matagal ko silang mahalin.

Lumapit ako sa maganda at sexy na saleslady na punong puno ng make up at humahalimuyak sa pwesto nya ng mga pabango. Tinanong ko ang kung ano anong brand at nagtry ng halos lahat ng nandun para medyo matitigan naman nya ko ng matagal at masabi nya sa sariling “Ito na ang pinakamasayang araw ko sa trabahong ito!” Paminsan minsan ko din syang binibiro at ang biruan na yun ay humantong sa nakangiting pagsabi nya ng “Hindi, wala naman po akong boyfriend sir eh…”.

Umabot din ng halos tatlumpung minuto ang landiang tagpong yun bago ako nagdesisyong bilhin ang pangalawang brand na pina-amoy nya sakin. 

alas: “Sige miss, etong isa na lang yung kukunin ko.”

sexysaleslady: “Ok sir, kukunin ko lang yung box tapos pakibayaran na lang po dun sa cashier. At nga pala sir, balik naman kayo bukas, may new arrivals kami, ha sir?” Nakangiting sabi nya.

alas: “Ah Ok. Sige dadaan ako dito bukas.” Nakangiting sabi ko naman.

Tumalikod at umupo sya panandalian para kunin ang kahon. Hindi ko alam kung bakit pero habang hinihintay ko sya ay biglang napasipol ako ng “Single Ladies” ni Beyonce na may kasamang bigkas pa ng lyrics na “Put your hands up, oh, oh, oh” habang umaalog alog ang ulo, sideways. Medyo nabigla ako ng makita kong si sexysaleslady ay nakatayo na pala sa gilid ko, bakas sa mukha ang pagdududa, habang inaabot ang pabango.

sexysaleslady: “Eto na po.”

 Hindi ko man binigay ang tunay na pangalan ko pero masasabi kong ang tanging naiwan na lang sa utak nya para matandaan ang pangyayaring iyon ay ang mga pangalang Piolo Pascual at Butch Francisco.

Ukinangsyet na LSS yan.

Categories: life illustrated
Tagged: ,