
Eh ano na nga ba ang kantang yun? Halina’t pagbulay bulayan natin ang paghahanap ng isang tao ng kantang may lyrics na oh oh oh oh oh oh oh oh. (bawal magkamali, dapat walo talaga yan)
Kung siguro’y kanta ni Beyonce ang hinahanap na kasagutan ng matinong taong nagtype nyan, siguro naman ay nabigyan sya ng tulong ng dati kong post. Kung sakali namang hindi, heto at nag-aksaya ako ng ilang minuto ng aking napakahalagang oras para lamang sa iyo:
- U2 : The sweetest thing (“oh oh oh, the sweetest thing…”) - Pwede na sana kaya lang kulang pa ng limang “oh”. at parang oh ho ho yun yata.
- Led Zeppelin : D’yer Maker (Oh oh oh oh oh oh, you dont have to go oh oh oh oh oh” ) - Mas marami sa U2 kaya lang kulang pa din para maging walong magkakasunod na “oh”.
- Justin Timberlake : (Oh No) What You Got – (Oh, oh, oh, oh, Oh, oh, oh, oh, What you got) - Yan walo, kaso hindi magkakasunod yan. Dalawang linya yan na tig-apat.
- Tata Young : “Uh Oh” (Your body makes me go, Oh Oh Oh Oh) – Apat lang. hmm… Btw, si Tata Young ay kabilang sa mga artists na matanda na ngunit bata pa din. Kasama nya sila Billy Joel, Backstreet Boys, atbp. Hindi mo nagets? Ako din.
- Paola Turci : Oh… Oh, Oh, Oh, Oh (“Oh… oh oh oh oh, Sotto il sole no oh oh oh oh”) -Anong klaseng kanta itong na-google ko at nandito pa si Tito Sotto? o Vic Sotto? Oyo Boy? Tita Ali? At sino naman si Paola Turci? Kasama ba yan sa mga babaeng nakasama sa scandal ni Hayden Kho Jr?
Gusto ko pa sanang paramihin ang mga kantang may “Oh” pero masyadong mahal ang talent fee ko para sayangin ang oras sa paghahanap ng mahiwagang kanta na may “oh oh oh oh oh oh oh oh” ang lyrics. Ngunit ganun pa man, sa iyo na naghanap (o naghahanap pa din) ng kantang yan na napadpad sa blog ko, nawa’y naibsan ko ang problema mong yan sa pamamagitan ng ilang kantang nilagay ko sa itaas.
Ikaw naman na blogger na dumadaan dito, anong kakaibang search keyword na ang natikman ng blog mo? Share naman dyan, for the sake of arts.
