subject: wala lang…
message: hay kpagOd…chige nxt tym n lng po aq mgpOst ul8… un lang.
may dalawang katanungan lang para sa sayo na nagpost nito at isa para sa lahat ng tao dalawa na makakabasa nito.
una, kailangan ba talaga namin malaman na pagod ka?
pangalawa, pwede ba kung magpopost ka sana sa bulletin, ung may kwenta naman sana kahit konti. yung may mapapala kahit 1 sa aming 257 friends mo? (na magiging 256 na lang dahil i dedelete na kita pagkatapos nito). Kahit mga words of wisdom o korning jokes na kopya sa mga text messages, ok lang. pwede kaya un sa “nxt tym n lng q magpOst ul8…” mo?
panghuli, ilang porsyento ba ng matinong tao ang nagsasabing “ang cute naman nya kasi ung sige nya eh chige” at ilang porsyento din kaya ang nagsasabing “Para syang batang natututo pa lang magsalita kung magtype ng mga gusto nyang sabihin na wala naman din kwenta at pang isip bata ano?”
hay kapagod… chige nxt tym n lng po aq magpost ul8… un lang.
