subject: wala lang…
message: hay kpagOd…chige nxt tym n lng po aq mgpOst ul8… un lang.
may dalawang katanungan lang para sa sayo na nagpost nito at isa para sa lahat ng tao dalawa na makakabasa nito.
una, kailangan ba talaga namin malaman na pagod ka?
pangalawa, pwede ba kung magpopost ka sana sa bulletin, ung may kwenta naman sana kahit konti. yung may mapapala kahit 1 sa aming 257 friends mo? (na magiging 256 na lang dahil i dedelete na kita pagkatapos nito). Kahit mga words of wisdom o korning jokes na kopya sa mga text messages, ok lang. pwede kaya un sa “nxt tym n lng q magpOst ul8…” mo?
panghuli, ilang porsyento ba ng matinong tao ang nagsasabing “ang cute naman nya kasi ung sige nya eh chige” at ilang porsyento din kaya ang nagsasabing “Para syang batang natututo pa lang magsalita kung magtype ng mga gusto nyang sabihin na wala naman din kwenta at pang isip bata ano?”
hay kapagod… chige nxt tym n lng po aq magpost ul8… un lang.

4 responses so far ↓
azul // July 31, 2009 at 9:26 am
toinks ang tagal na pala neto..baka kailangan nia ng moral support kaya nia sinabi yan..wahaha
alas // July 31, 2009 at 1:42 pm
@azul – yun din ang tingin ko kaya nag comment ako sa kanya para sabihing suporTADO sya, bago ko sya idelete sa list ko. wahaha!
utakmunggo // August 30, 2009 at 12:17 am
hala nag rant ang lolo! ahhihihi
henaku mas ok nalang yan kesa mga walang kwentang chain messages na kailangan mong ikapipeys at ipadala sa milyun milyong tao or else mamamatay ang aso ng kapitbahay ng bestfriend ng anak ng tito ng labandera ng boss mo.
alas // September 1, 2009 at 11:48 pm
@utakmunggo hahaha! kung yun ang mamamatay dahil sa chain messages na yan hahayaan ko na lang sila hahaha!