Oi. Kumusta?
Itago mo na lang ako sa pangalang Barney. Oo, siya yung kulay ubeng dinosaur na lumalakad lakad, nagsasalita, kumakanta, at sumasayaw sa TV para sa mga bata, minsan, para sa matatanda din.
Siguro itatanong mo (o hindi pero ilalagay ko pa din para masabi ko kung bakit) kung bakit Barney at hindi Spongebob? Dahil una, ayoko kay spongebob at masyado syang sipsip. Pangalawa, ang pangalang Barney ay magandang idugtong sa slogan ko kasi, rhyme. B-) At pangatlo, dahil si Barney ay gusto ng mga bata, gaya ng mga patalastas-es sa TV na mas nakukuha ang atensyon nila kesa sa Sine Eskwela. (meron pa ba nun?)
update:
Sa kadalihanang ako mismo e nalilito kung patalastas o barney ang ilalagay ko pag nagcocomment ako, napagdesisyunan kong “alas” na lang ang gagamitin ko. Tunog patalastas at astigin at the same time. Tsaka tutal di naman pala lumilitaw sa theme na to ung slogan ko e. At natupad na din ang pangarap ko na magamit ang Strikethrough. Woohoo!
E bakit naman patalastas? (kunwari nagtanong ka ulit)
Kasi ang mga nakalagay at ilalagay ko dito, hindi pang “Top TV Shows”. Di gaya ng nasa mga sikat na blogs nina jon cabron, xg, mr. D at kung sino sino pa. At gaya ng mga commercials sa TV na madalas ipakita, minsan minsanan lang talaga, ganun din ako maglagay ng entry. Pagdating naman sa nilalaman ng mga commercials, pareho din ng mababasa mo sa blog na to. May maganda, pangit, may nakakainis, nakakatawa, may merong kwenta, may wala at merong hindi mo maisip kung anong dating sayo at hinahayaan mo na lang tingnan ng mga mata mo at pakinggan ng tenga mo dahil wala ka naman magagawa kundi tanggapin na kasama un sa pang araw araw na buhay.
So… yun. Txtbck asap.
J.A.P.A.N

6 responses so far ↓
mr_d // December 8, 2008 at 4:38 pm
nagkakamali ka kung iniisip mong sikat ako
mr_d // December 8, 2008 at 4:39 pm
hehehehe <- naiwan yung hehehe. dapat may hehehe yon sa dulo hehehe
alas // December 9, 2008 at 2:30 pm
hehehe. pero nagsurvey ako sa isangdaang katao at ikaw ang top answer with 34 points. (di ko lam kung edad mo yan pero yan ang pts. talaga. haha!)
muli mr.d, kinilig ako sa pagbisita mo sa aking blog. pero hindi talaga ako bakla. hahaha!
xG // December 13, 2008 at 9:53 pm
natawa ako kay romydiaz
ampotah
anong kalokohan yan?
sikat sikat chever cheer na yan?
ako lang ba
o di ko lang talaga maintindihan
yung sinasabi mo na
top tv shows?
eh sa pareho lang naman
ang nakalagay dito
at sa blog ko
parehong tungkol sa mga
walang kwentang buhay natin
alas!
alas // December 14, 2008 at 8:40 am
@xG wow nadaan ka dito, pwede na kong mamatay! hahaha! hindi kalokohan yan, sikat talaga kayong tatlo para sakin at siguradong para sa ibang tao din dito hehe.
tingin ko may kwenta naman yung mga nilalagay nyo, sinasadya nyo man o hindi, may natututuhan ako sa blogs nyo. dito lang yung talagang walang kwenta, kaya parang pang commercial lang. hehe.
welcome back pala! buti magaling ka na. at welcome din pala to the ex-dengue patients club! hehe.
xG // December 14, 2008 at 8:07 pm
jusko
sa lahat na lang ng madaanan ko na blog
yan ang gusto
ang mamatay na!
magkamatayan na nga kayo
hahahaha
may natututunan ka?
himala yun
hahahaha
at oo
shet nadale nga pala ako ng lamok
nyeta
hahahaha