Patalastas

.

January 5, 2009 · 6 Comments

.

hindi ko alam kung bakit pero ganyan ang pakiramdam ko sa pagsisimula ng taon.

im such a loser yaya.

→ 6 CommentsCategories: Buahay · centrim
Tagged:

Daiana Menezes, Sorry na…

December 16, 2008 · 4 Comments

Hindi naging madali para sa ating dalawa ang pagpasok sa isang bawal na relasyon at inakala kong alam mo na yan bago pa kita sagutin. Noong nagpapapansin ka pa lamang sa akin sa pamamagitan ng malambing mong   “Hello Alas… Ano ito?”, pumasok na sa isip ko na na magiging mahirap ang pakikipag hiwalay ko sayo. At ilang beses kong inulit ulit sayo ang bagay na ito. Natatandaan ko pa tuwing sinasabi ko na “Ayaw kitang masaktan kaya sana tigilan mo na ako…”, lagi mo lang yun sinasagot ng medyo baluktot mo pang tagalog na ” Ok lang Alas…Sirugado ako…”, kaya wala akong nagawa kundi sapilitang pagbigyan kita.

Kahit tayo na, hindi ko nalilimutang ipaalala sayo na hindi lang ikaw ang kaya kong mahalin habang buhay. Masyado akong mabait at mapagmahal kaya nahihirapan akong ipagkait yun sa mga magaganda at sexy na nagmamakaawang lumalapit sa akin. Pero iisa lang ang sinasagot mo, “Ok lang Alas… Sirugado ako…”.

Di nagtagal, nahirapan din ako. Di ko na matiis na labing apat kayong sabay sabay na minamahal ko. Naisip kong kailangan na makipaghiwalay sa isa at ikaw ang napili ko. Inaamin kong nahirapan akong pumili, ngunit dahil sa ikaw ang pinakahuli sa labing – apat, naisip kong magiging madali sayo ang  pakikipaghiwalay ko.

Pero gaya ng mga nauna, hindi mo din madaling natanggap ang bagay na ito.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan na hindi na kita pinapansin. Naawa man ako sa pagluhod luhod mo sa harap ng bahay namin para balikan ka pero pinilit kong panindigan ang naging desisyon ko. Binalaan na kita noong una pa lang, pero hindi ka nakinig.

Muli kong sinubukang manood ng eat bulaga pag pasok ng Disyembre. Natuwa ako para sayo dahil napansin kong naka-move on ka na at masaya ka na ulit sa piling ng iyong mga dabarkads. Sa pagkanta kanta mo, sa pagsayaw, at sa pagbibigay ng bugtong, halatang wala ng bumabagabag sa iyo at labis ko talagang ikinatuwa ko yun. Ngunit dumating ang araw, December 5, biyernes, habang pinapanood kita ay unti unti kong nararamdamang nagkakagusto na ako  sayo. Pumapasok sa utak ko ang pagsisisi ng hiwalayan kita. Sana pala si Roxanne Guinoo na lang at hindi ikaw. 

Hindi na ako nakatiis at tinext kita kinabukasan, December 6, umaga, bago ka magpunta sa eat bulaga, para itanong kung pwede ka bang sumama ulit sa labing tatlong minamahal ko. Naka tatlong miskol muna ako sayo bago mo ko ni-replyan para sabihin mong pag-iisipan mo muna ng ilang oras. Hindi ako naka-reply sa sinabi mong yun pero laking tuwa ko ng nag-text ka ulit para sabihing manood ako ng eat bulaga, sa Taktak mo o Tatakbo portion, dahil dun mo ise-senyas ang magiging sagot mo sakin.

Naisip kong napaka sweet mo talaga at idadaan mo pa sa TV ang bagay na ito.

Halos hindi ako kumain ng pananghalian noong sabado na yun sa pagtutok sa eat bulaga. Bawat eksena na wala ka, pakiramdam ko’y para akong nilulunod. Bawat commercial na dumadaan ay para akong sinasaksak. Bawat ibang host na nagsasalita ay para akong mauubusan ng hininga.

At sa wakas, pinakita ka na. Medyo nagalit pa ko nun sa ginagawang pang-aasar ni Jose sayo pero binalewala ko na lang. Dahil ang isip ko nung araw na yun ay wala nang mas importante pa sa buong mundo kundi ang magiging sagot mo sa tanong ko.

Natapos ang asaran nyo at pinapili mo na ang contestant kung pula o asul. Sinabi mo ng napakalambing ang tanong na “Sirugado ka…?” at halos magkanda ihi ako sa pananabik dahil alam kong ang susunod na eksena ay ang sensyas na ng pagsagot mo sakin.

 

Malinaw nang sagot sakin ang X, hindi mo na ko dapat murahin.

Malinaw nang sagot sakin ang X, hindi mo na ko dapat murahin.

 

At yun ang unang beses akong nabusted.

→ 4 CommentsCategories: Obserbatoryo · Truth or Konsikkwens
Tagged: , ,

Paano mo masasabing napamahal na ang aso nyo sa nanay mo?

December 15, 2008 · 7 Comments

Alas: Nay, anong ulam?

Nanay Alas: Pinagluto ko si Bantay ng adobong manok, kumuha ka na lang dyan.

- end -

→ 7 CommentsCategories: Buahay
Tagged: , ,

konti pa D+ na

December 13, 2008 · Leave a Comment

Alam nyo ba kung ano yung mahirap pag nasa lamay ka ng artista? Yung merong mga nagpupuntang artista tapos may ilan na dinadala hanggang dun yung trabaho nila, ang pag-iyak. Buti na lang sana kung magagaling eh, yung hindi lang boses yung umiiyak kundi pati mata. At kung umiiyak man yung mata, sana naman yung kasing galing ng mga artistang parang nararamdaman mo din pati pagdadalamhati nila. Yung nakakadala ng emosyon ba. Hindi yung iyak na nakakapagduda kung kaibigan nga ba talaga o  kailangan lang madagdagan ang exposure sa TV.

Iba talaga tayong mga pinoy, maparaan.

Sana sumama na lang sa mga grupo na nag-aalay ng kanta o panalangin para sa namayapa. Pwede din naman sigurong mag guide sa mga pupunta sa harap ng kabaong. O tumulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kape, tinapay, o candy. Di ba parang mas totoo yun? Ay hindi nga pala pwede, artista nga pala. Pero sana naman, tama na yung paulit ulit na paglapit sa nanay pag alam mong may lalapit na media, bigyan naman natin ng pagkakataon yung ibang tao na talaga namang nakikiramay. At isa pa, nakakahiya din naman sa nanay nya na baka pag natapos ang pagdadalamhati e maiisip na ang dami pala talagang pambalot ng ice water sa showbiz. Medyo nakakasira ng industriya natin yun db? At kung sakaling naisipan nyong gawin ang kung alin man sa mga to, sana huwag nyo na naman hintayin ang pagharap ng camera at pagtutok ng ilaw, para mas personal ang dating, hindi lang trabaho ha?

My deepest condolences to the Cielo family. May he rest in peace. Really.

→ Leave a CommentCategories: Obserbatoryo
Tagged: ,

ang hirap umayon sa ayaw mong ayunan

December 10, 2008 · 2 Comments

Kung akala mong ang title ko ay linya galing sa kanta ng sandwich na betamax, medyo nagkakamali ka. Medyo lang kasi inspired naman talaga ng padayon word yang mga ayon ayon sa titulo ko eh. Ganun yata talaga pag halos maghapon mo pinapakinggan ang isang kanta.

Anyway, di ba totoo naman? Mahirap mag-agree sa bagay na ayaw mo naman talaga. Kahit na alam mong tama yung mga sinasabi nila sayo, masama pa din loob mo at pilit na pilit lang kung sakaling sundin mo man sila. Kung di mo naman sila sundin, di mo naman magagawa yung gusto mo dahil sila lang ang tanging paraan para magawa mo yung gusto mo na ayaw naman nila. Ano daw? Ah ewan, basta. Ang gagawin mo na lang, maghahanap ka ng makakausap na sasang-ayon sa balak mo. Tawag dito, tawag dun, text text, chat chat, tapos sasabihin nila:

Tao 1: “Oo ok naman yun, PERO talaga namang dapat ganito kasi ang gawin mo  blah blah blah…”

Tao 2: “Oo tama ka din dun. PERO dapat kasi di mo na lang ginanun yada yada yada…”

Sabi ko naman, “O cia cia, basta pag namatay ako di ako ang may kasalanan ha?”

ukinangsyet yan o.

Maganda kayang idea yung magtext ako mamayang madaling araw sa lahat ng mahal ko sa buhay at magpasalamat sa lahat ng ginawa nila sakin? Tapos wala akong rereplyan sa mga magrereply para may pagka misteryoso ang dating. Ang  emo nun. Pero wag na lang pala kasi ayaw kong i-autopsy. Idedemanda ko kung sino man ang gagawa nun dahil para sakin, yun ay paglabag sa RA09501. (invasion of privacy courtesy of google.com) E teka, bakit ba ko i-o-autopsy e di naman ako si Marky Cielo. Ano naman ang pakelam ng mga pulis na nasa TV at Media na nakikiramay slash nanggugulo sa lamay kung sakaling lumaklak ako ng yasmin na syempre eh hindi ko naman gagawin?

Ah basta. Padayon.

→ 2 CommentsCategories: centrim · life illustrated
Tagged: , ,

Parokya Ni Edgar

December 10, 2008 · Leave a Comment

Ako lang ba o talagang October 1, 2008 ang ibig sabihin ng 10.1.8? O baka naman January 8, 2010? August 1, 2010?

image taken from parokyaband.com

image taken from parokyaband.com

→ Leave a CommentCategories: Uncategorized
Tagged: , ,

smiley

December 1, 2008 · 2 Comments

Nakita nyo ba kanina? Yung buwan, at dalawang bituin, umayos sila na parang smiley.

Wala lang…

Sana kahit anong nagawa ko, sinadya ko man o hindi, kahit anong dinadaanan mo, mahirap man o madali, at kahit ano man nararamdaman mo, masakit man o hindi, naka smile ka pa din gaya nun.

moonstarssmile

Tapos sana, kahit walang kwenta itong mga sinabi ko para sayo, naka smile ka pa din ngayon.

update:

Venus at Jupiter pala yun. Ang galing ko talaga sa Math.

→ 2 CommentsCategories: centrim · life illustrated
Tagged: , , , ,

pinky…

November 28, 2008 · 4 Comments

3rd yr hiskul, phone call at around 12:30 am…

pacute na voice: hellowww…
alas: hello. sino to?
pacute na voice: is this alas?
alas: oo, sino to?
pacute na voice: i just got your number from a fwend… pwede makipagkilala?
alas: ah.. sinong friend?
pacute na voice: naku magagalit kasi sakin yun pag sinabi ko e… ilang taon ka na?
alas: promise hindi ko babanggitin sa kanya na sinabi mo, kung kilala ko man sya.
pacute na voice: wag na lang pls….? i’m sure di mo din naman sya kilala… san ka pala nag-aaral?
alas: pano mo nasabing di ko sya kilala?
pacute na voice: eh kasi…………  nakapanty at bra lang ako ngayon.. hihihi..
alas: ah oo pwede. fifteen years old nga pala ako, nag-aaral dyan sa PQRS. ikaw?
pacute na voice: hihihi… mag-e eytin na ako next month, dun ako sa TUV pumapasok.. mas bata ka pa pala sakin hihihi…
alas: edad lang naman yan, wag mo na lang pansinin. hehe. san ka nakatira?
pacute na voice: sabagay… hihi.. dito ako sa may Brgy. Haliparot, malapit sa pag baba ng tulay, alam mo to?
alas: ah oo. napunta na pala ako dyan dati nung may sinamahan akong mamangka sa ilog. sayang ang layo mo pala…
pacute na voice: oo nga balita ko nga taga Brgy. Makisig ka… sabi ng fwend ko napunta na daw sya dyan sa inyo minsan.
alas: ah ok. ok lang ba kung itatanong ko kung anong kulay ng suot mo ngayon? hehe…
pacute na voice: oo naman.. hihihi.. pink yung panty ko, red naman ung bra ko.. ikaw…?
alas: wow nice colors. Ako, nakahubad akong matulog e.. pero yung boxers ko green na may mga kung ano anong patterns… kung makakapagkita lang tayo ngayon, hindi na ko mahihirapan pa i-describe sayo to. hehe..
pacute na voice: ok lang yan, pwede mo naman pakita sakin sa ibang araw hihihi…
alas: oo ba! walang problema yun lang pala eh! teka, e di nasa kama ka din ngayon nyan?
pacute na voice: oo.. nakahiga habang kausap ka…medyo naiinitan na nga ako e…
alas: talaga? ako din medyo pinapawisan.. huhubarin ko na nga itong boxers ko…
nanay alas: hoy alas! hatinggabi na nag te telepono ka pa, kababastos niyong mga bata kayo! Isuot mo na yang pajama mo at matulog ka na! may pa boxer boxer ka pang nalalaman dyan. ibaba mo na yan!

(pagkalipas ng ilang segundong pagkabigla, hiya at pagkabwisit)

alas: nay ano ka ba naman! nakita mo nang may kausap yung tao angat ka ng angat ng extension. para kayong walang manners!

(binaba ang extension)

alas: hello… sorry ha? may nag-angat sa kabilang phone.. ano na nga pala ulit yung name mo?

(busy tone)

alas: hello… pinky… nandyan ka pa… =(

- end -

kung ikaw ang ka phonepal ko na to at naalala mo pa ang green boxers na may kung ano anong patterns, sana iwan mo man lang ang pangalan, address, cell no at email-add together with your recent picture sa email na to.

aymishu…

→ 4 CommentsCategories: Ginebra Kelly Rhum · PG-13
Tagged: , , ,

Yasmien

November 26, 2008 · 9 Comments

Alas chatting with Ms. Alas

Ms. Alas: hahaha! sira ka talaga, lab u!

Alas: e ganun talaga, kaya nga mahal na mahal mo ko e. asus! hehe

lab u din!

ah nga pala, basahin mo to, na-touch ako. hehe

copy paste ng touching lizard story.

Ms. Alas: ganun talaga, totoo naman un. kaw lang naman hindi marunong mag care sa tao, inuuna mo pa yung kung ano anong bagay, hindi mo pinag iisapan kung anong priority mo, kung ano mas mahalaga sayo. hindi mo alam nakakasakit ka na ng damdamin, nasasaktan na ko. pero ikaw, hindi mo pa din iniisip bago mo gawin, ginagawa mo na lang without considering my feelings.. binabalewala mo ko…

Alas: ha? ano na naman yan, may pinabasa lang ako sayo ah.

Ms. Alas: sige na aalis na ko, i really hate you.

Ms. Alas has signed out.

 

Bukod sa diane at yasmin, ano pa bang magandang birth control pill?

 

→ 9 CommentsCategories: YM
Tagged: , , , , , ,